BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Search This Blog

Friday, April 1, 2011

Toxic ba kamo?

(This one is based from a personal experience. I was like "Do i really need to finish all of these stuffs?" Others always say that being a leader and an organizer as well in the class encounters MAJOR MAJOR responsibilities. I knew that and I was used to that kind of thing. Rushing, doing this, fixing that, organizing, etc. But nevertheless, i didn't regret. I enjoyed everything. I loved that spending-tic-tocs for the benefit of the whole; for the success of an event. I had fun working with the other officers as well as with the whole class. I will miss them. Anyway, here's the flow of the day I considered as "toxic")

Start (feb. 24, 2011 8:00am)


Nagising mula sa pitong oras na tulog.. tayo.. tingin sa salamin.. ligo.. bihis.. brush.. 10:00 magkikita sabi sa isip.. sa bagal kumilos ang aga na nga nagising di pa nagawang mag-breakfast at mag-makeup.. halla sige.. tali ng hair.. lagay hairnet.. Fix.. Punta school.. tinawag klasmeyt.. Hanap ng bus.. makipagtawaran, hanap materials.. wala makita.. ayun, gutom pareho.. nakakita ng mcdo kiosk, bili burger at float.. sa wakas nakakain.. lakad mula uniwide hanggang cervantes habang naghahanap materials.. bili cartolina, balloons, packaging tape, double-sided tape.. maglakad, maghanap.. Balik sa bahay, ayusin case study.. punta tinutuluyan ng klasmeyt, tumulong sa pagdikit ng mga cutouts.. tawag sa isang klasmeyt, balik ng bahay, magpalobo ng sangkatutak... balik school.. lagay ng banner sa bus, mamigay ng balloons sa section.. magcheck ng attendance.. nagmukha ng konduktor sa paniningil ng contri habang umaandar ang bus sa parade.. magbilang ng sangkatutak na barya.. pagkatapos ng parada, okay na sana, papunta na gym inutusan pa.. punta canteen, tinanong yung pinapasuyo may kumuha na pala! balik ulit sa gym.. nkpgrelax ng kaunti.. masaya ang program, nkka-inspire.. *smile* tapos na.. tayo, lakad.. magsama ng klasmeyt.. punta bayan, hanap ng regalo para sa mga teachers.. hanap dito, hanap diyan.. nag-abono sa bayaran.. punta SM bili ng additional na regalo.. dinala yung kasama naming bagets sa lil' people.. kain muna, kwentuhan.. lakad ulit.. pagkauwi sa bahay.. ang dami pa ring gagawin.. inayos ang attendance.. breakdown of expenses.. nkkbaliw.. then, nagtanggal ng tag price ng mga gifts, tapos nag-wrap.. ang dami. tape. gunting.. wrap.. lagay sa plastik.. check kung lahat ng mga teachers ng section mabibigyan.. Haay sa wakas mkkpgphinga na.. ayy! hindi pa! hindi pa tapos.. Magtext sa mga classmates about the schedule for tom.. halla, sige GM ng GM.. kahit anong network.. kumusta ang load? meron pa? Oo, si bunso nangungulit pagawa ng project.. haay, anong gagawin ko? tumatakbo ang oras, di ko namamalayan.. tapos SHOOT! Yung group project namin pala! Documentation, Mga case report, case study, profile, snapshots.. Compilation lang naman pero ang daming kulang.. halla sige, supply ng kulang na info.. learning derived.. malaria.. tuberculosis.. goal, philosophy.. random na ang nasa utak ko! nasagad na lahat! Pagod, wallet! Pasensiya! Utak! Hay. Sige type lang ng type kahit ano na lang mabigay ng neurons ko.. tapos biglang napangiti.. ngiting abot langit.. with matching gleaming eyes pa, yung totoo? Ayun.. sa wakas!! tapos na.. pagtingin ko sa orasan, 2:15 am na! MY GAAAAADDD.. madadagdagan na naman ang pimples ko.. Kaya people! goodnight na!


End (feb. 25, 2011 2:15am)

0 comments: