BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Search This Blog

Wednesday, December 28, 2011

Saan banda?

Napagkasunduang ang magiging tema ng folio ngayon eh VOCEA “Boses ng Kabataan Tungo sa Pagbabago ng Bayan.” Sabi ng utak ko (at utak ng ibang kasama) ang hirap naman! Mahirap nga ba? Saan banda? Kung tutuusin, madami tayong masasabi kapag ganito ang paksa sa pagsulat ng artikulo. Siyempre, madami tayong himutok tungkol sa mundong puro karahasan; sa bayang puno ng kurakot; pamayanang may masungit na mga opisyal; mataas na tutition fee; maging sa kaklase mong ayaw kang pang-gawa ng assignment; sa nanay mong katak ng katak sayo tuwing umaga; sa naghihirapang exam at quiz na kulang na lang eh dumugo na lahat sayo; sa pagrereview na katambal mo na ang kape, cobra, sting, extra joss, maging katol (yung totoo, walang budget? Katol na lang?); kaibigang ayaw kang samahang mag-shot; kaaway mong non-sense kausap; girlfriend o boyfriend mong puro na lang selos (forever!); maging sa mga pusang tumatalon sa mesa niyo para kumuha ng foods pag walang tao; (grabe aagawan ka pa ng ulam!) Kulang na lang buong buhay mo ireklamo mo na rin para magbago!

San ko nga ba uumpisahan to? Nahihirapan ako. (Sabi ko na mahirap naman kasi talaga to iiiihhh!) Una sa lahat gusto kong punahin ang ilan sa kabataan ngayon sa mga gawain nila. I mean, kung gusto talaga natin ng pagbabago kailangan mag-umpisa yun sa ating mga sarili. For example, sinasabi ng iba sa atin na naghihirap sila pero sabayan sa pag-gastos. Makita mo, naka-signature na bags, shoes, etc. Sasabihin nila fake lang to! Weh! Kahit na noh! May bayad pa rin! Ang daming kumakain sa mga magagarbong restaurant, gumagala kung saan-saan. Beach! Overnight! Party like it’s the end of the world! Bongga! Tapos pagdating sa school, may babayaran na konting contri pang-xerox, dos lang hihingi pa sa kasama. Eto pa, ayaw naman natin talagang lahat sa kurakot pero aha, puro kupit tayo sa ating mga magulang! Walang katapusang kupit! (Aray ko!) Kung anu-ano sinasabi nating babayaran diumano sa kanila. Ultimo yata noun, pronoun, mathematics, articles a and an binabayaran daw! (Aray ko na naman!) Eto pang malupit eh! Ayaw ng lahat sa sinungaling na gobyerno! Umpisahan natin ulit sa simpleng tayo. Kunyari daw gagawa ng project overnight, anong gagawin? Gagala lang! Project sa Kart! Project sa sinehan, sa mall. Oh diba? Ayaw natin ng mapagbalat-kayong gobyerno pero tayo sa buhay natin eh nagsisinungaling din naman. (paminsan-minsan lang! :]) Ano pa? Eto. Nagagalit tayo pag may mga nakakaranas ng lindol, bagyo, tsunami, at kung anu-ano pang delubyo! Sasabihin natin “Napakawalang disiplina kasi ng tao. Ayan tuloy nagagalit ang kalikasan.” Duh! Kasama tayo dun. Kung may malasakit tayo sa kapaligiran hindi tayo gagawa ng ikakasira nito. Eh hindi eh! Sa classroom nga lang pag kakain ng chichirya sa klase o iinom ng softdrinks, isisiksik pa yung pinaglagyan sa upuan eh. Di ba? Napangiti ka? Meron pa. Save water! Eh sa bahay niyo nga pag naligo ka isang oras eh! Kasabay nun ang pagbuhos ng tubig sa gripo! Magkano na kaya singil sa inyo ng Water District kung araw-araw ganun ang gawain mo? Lumipat naman tayo sa ibang aspeto, wag puro satin. Maraming nabubulgar! (hehe!) Paglabas mo sa school, 25 pesos na lang extra mo. Gutom na gutom ka na at alam mong sa halagang yun makakabili ka na ng Mcdo Sundae! (Nomnom!) Takam na takam ka na sa sundae mo ng biglang paglabas mo ng Mcdo eh may sasalubong sayong mga pulubi. Marurumi sila. Gusgusin. Walang mga tsinelas. Halatang namimilipit na sa sobrang gutom; sa kalam ng sikmura. Pero wag ka! Imbes na maawa ka maiinis ka! Tama ba naman kasing hingin nila sundae mo eh di pa natikman ng taste buds mo! Eto pa! Isasawsaw pa nila yung napakaitim nilang mga daliri sa sundae mo para lang mapwersa kang ibigay sa kanila. Siyempre ibibigay mo! Imaginine mo, ikaw ba naman gugustuhin mong kainin pa yon eh pinagsawsawan na ng daliring napaka----alam mo na. Yung iba naman, havey mamalimos. “Teh pengeng piso” Pag sinabi mong wala sisigaw mga yan “Ang damot mo naman!” o kaya “Bakit wala? Hindi ka ba binigyan ng baon ng nanay mo?!” Oh diba, ikaw pa mapapahiya. Meron pa yung namemresyo. Binigyan mo na ng piso, hihirit pa “piso lang? lima naman daw teh”. Tapos makita mo niyan pinangka-karakrus lang nila. Sa mura nilang edad alam na nila ang sugal. Yung mga magulang nila? Nasan? Ayun, sugal din ang hinaharap. Yung iba pagkagising sa umaga gin na ang tinutungga. Hinahayaan nilang palabuy-laboy ang kanilang mga anak; gutom nang pampisikal, gutom pa sa pagmamahal. Isa pang isyu? Pag nanonood tayo ng telebisyon, naiinis tayo minsan kasi yung mga balita tungkol sa hindi maputul-putol na pagtatraydor ng ilan sa mga pulitika at pag-gawa ng mga kwento sa isa’t isa. Yung iba nagbibitiw pa ng maaanghang na salita na nakakasira sa integridad kahit hindi naman alam ang buong istorya. Nakikisawsaw lang. Pero sating ordinaryong mamamayan, kasayang nakikipagtsismisan diba? (aminin!) Ngunit, subalit, datapwat, naisip ko, bakit kaya kailangang pagkwentuhan ang ibang tao. Sa totoo lang, oo, hindi naman maiiwasan yun eh. Ang masaklap lang mayroong mga taong sobra kung makapagduro, makapagkalat ng baho ng iba at makapang-husga ng kapwa pero ang totoo niyan ganun din ugali o gawain nila. Ironic noh? Meron pa! Nagagalit yung iba kasi pinag-uusapan sila pero pag sila ang kumakatak tungkol sa isang tao, tatawanan pa nila! (emotional?) Isa pang isyu sa telebisyon. May mga famous celebrities na humihingi ng donations for charity. Naisip ko lang, humihingi sila ng tulong sa bawat mamamayan, eh sila naka-diamonds at gold! Halatang mayaman, edi dapat sila rin mismo ginagawa nila ang ganong klase ng tungkulin diba? Nagsasabi lang po ako ng pananaw. Kaya sa tingin mo, may mabuti ba sa mga ganitong klase ng gawain? Saan banda?

Ilan lamang ito sa mga nakakatuwang ikot ng buhay ng mga ordinaryong tao ngunit nagbibigay ng ibang kahulugan sa ating bayan. Hindi ko naman ipinupunto na isa ako sa mga gumagawa ng tama o isa ako sa mga gumagawa ng mali. Nais ko lamang ipabatid sa ating lahat lalung-lalo na sa mga kapwa ko kabataan na kung gugustuhin natin ng pagbabago, kailangan magsimula ito sa ating mga sarili. Hindi natin pwedeng isisi ang papisu-pisong dagdag sa pasahe, load, kwek-kwek, pineapple juice, ensaymada, o kahit ano pa man sa gobyerno. Oo, siguro may kakulangan ang ilan sa iba ngunit meron din sa ating parte. Hindi natin pwedeng ipasan ang lahat ng nangyayaring kaguluhan, giyera, pagnanakaw, carnapping, salvage, o maging ang kulto sa mga may katungkulan. Simulan natin itong solusyunan sa pamamagitan ng pag-iingat. Ano pa? Hindi rin natin dapat isakdal sa iba ang ganti ng kalikasan - lindol, bagyo, hurricane, tsunami, etc.sa mga taong iniisip natin na walang ginawang mabuti para sa kapaligiran. Disiplina at malasakit ang kailangan natin. At higit sa lahat, paulit-ulit ng nagiging paksa ito, parang sirang plaka pero wala pa rin pagbabago. Madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Sa kabila ng lahat, pagbabago pa rin ang susi. Pagbabago na kahit mahirap paigtingin ay sinusubukang kayanin ng bawat isa sa atin. Ikaw, magbabago ka ba? Saan banda? J

0 comments: